Tuesday, November 2, 2010

Beauty Under Pressure

The first time magkaroon ng Search for Bb. Aroroy - 2 years ago, November 2008. At sobrang nakaka-stress ang pag organize!

Dumaan sa mga matinding pagsubok at challenges ang mga organizers at staff. Eh kasi ba naman, may mga bad precedents. Niraket yung mga naunang beauty pageants. Marami ang naging intrigues at negative feedbacks. Kaya 'yung trust na ibinigay sa amin, hindi 100%. Feeling ko nga parang 10% lang. Iniisip ng mga stakeholders at major sponsors: ano ba pagkakaiba namin sa mga dating humawak ng local beauty pageant dito sa Aroroy? Nakakaseguro ba silang hindi rin kami magraraket? May ganun!

Well, anyways, napagtagumpayan namin na mairaos ang kauna-unahang Bb. Aroroy beauty pageant. Super dami ng nanood at kahit nga hindi maiwasang mayroong may nag sentimyento dahil luhaan, malaking porsiento ang naaliw at nasiyahan kaya ask sila "next year uli!"

No comments:

Post a Comment